100-BILYONG KITA, POSIBLE SA PAGPAPATUPAD NG BUWIS SA INTERNATIONAL DIGITAL SERVICES – BIR



Inaasahang aabutin ng hanggang P100-bilyon ang kikitain ng gobyerno sa ipapataw na buwis sa mga international digital services.

Ito’y matapos na pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na maging isang batas na nagpapataw ng 12% value added tax (VAT) sa mga foreign digital service providers.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, tinukoy sa pinirmahang batas na ang 5% na kita mula sa VAT ay gagamiting pondo sa creative industry. Ngunit, hindi nito binanggit kung saan pa gagamitin ang natitirang 95% na kita.

Sinabi pa ng opisyal na normal lamang ang pagpapataw ng buwis sa mga foreign digital service providers at isang paraan ito upang makasunod ang Pilipinas sa ibang bansa.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog