DONNY PANGILINAN, NAMAHAGI NG LIBRENG GASOLINA SA MGA MOTORISTA

 


Ginulat ng aktor na si Donny Pangilinan ang lahat ng mga motoristang dumaan sa kaniyang ipinatayong gasoline station.

Hawak ang isang placard, inimbita ng aktor ang mga aktor ng kaniyang palibreng gasolina sa naturang gas station.

Makikita sa post ni Pangilinan na ang naturang sorpresa ay bilang bahagi sa selebrasyon ng ika-unang anibersaryo ng kaniyang gas station.

Mismong ang aktor ang sumasalubong sa mga motorista hawak ang placard na may nakasulat na “It’s Our Anniv. Free Gas!”.

Tuwang-tuwa naman ang mga fans at mga netizens sa ginawa ni Pangilinan lalo na’t personal nilang nasisilayan ang aktor.

Inulan ng mga congratulatory message si Donny kaugnay sa tagumpay ng negosyo at sa paayuda sa mga motorista. 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog