100 EMPLEYADO NG ABS-CBN, NASIBAK



Panibagong batch ng mga empleyado ng ABS-CBN ang sinibak sa kanilang trabaho dahil sa patuloy na pagbagsak ng ad revenues ng naturang network.

Sa ulat, sinabing kailangang i-layoff ang nasa 100 mga empleyado o 3% ng kanilang workfore bunsod ng patuloy na pagbaba ng kinikita lalo na’t nawalan ito ng prangkisa noong panahon ng administrasyong Duterte.

Kabilang naman sa mga nawalan ng trabaho ang ilang mga reporter at cameraman.

Nauna nang iniulat ng ABS-CBN na kumite ito mula sa ads ng 16% o katumbas ng P6.7-bilyon. Ngunit mababa pa rin ito sa karaniwan na nakukuhang kita noong 2019 na umabot sa P22.94-bilyon.

Matatandaan, noong 2020 ay tinanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN na naging dahilan ng pagsibak nito ng ilang mga empleyado.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog