Matapos ang halos tatlong dekada na pagkakawalay ay nakasama na sa wakas ng Filipino-Korean police office ang kaniyang ina.
Sa isang panayam,
ibinahagi ni Oh Jun Young o Julius Manalo ang tungkol sa kaniyang mga magulang
kung saan ang ama nito’y isang musician na si Eustacio at ang kaniyang ina na
si Oh Geum Nim.
Taong 1993, kinailangang
bumalik ng Pilipinas ng ama ni Julius at isinama siya nito sa pag-aakalang nagbabakasyon
lamang sila ng dalawang linggo.
Pagdating sa bansa ay inamin
kay Julius na hindi na sila babalik ng Korea.
Makalipas ang dalawang
linggo, nabalitaan ni Julius na kaya siya ibinigay sa tatay niya sa
kadahilanang mag-aasawa na ang nanay nito at ayaw sa kaniya ng mapapangasawa
nito.
Dito, nagkimkim ng galit
si Julius sa kaniyang ina ngunit pinabulaanan naman ito ng kaniyang ina.
Sumubok si Julius na
hanapin ang kaniyang ina at sa tulong ng isang TV show sa Korea na nagbahagi ng
kaniyang kwento ay tinulungan siya sa paghahanap ng kaniyang nanay.
Matapos ang linggo-linggong
pag-eere ng kwento ni Julius sa loob ng tatlong buwan ay nakatanggap sila ng
tawag at na-track ang kinaroroonan ng kaniyang ina.
Sa pag-aasam na makasamang
muli ang ina, lumipad si Julius kasama ang kaniyang mag-iina sa Korea upang
kitain ang kaniyang nanay.
Bagama’t naging emosyonal
ang muling pagkikita ni Julius at ng nanay nito ay naging kampante naman ito na
sa wakas ay personal nitong nakita ang ina matapos ang halos 31-taon.
Napag-alaman na lumaki si
Julius sa Tondo kung saan maraming hirap itong napagdaanan hanggang sa nalaman ito
ng kaniyang half-brother na si Jay Manalo na isang aktor at doon na nagsimula
itong nakakita ng bagong pag-asa.
Nakakuha ng basketball
scholarship si Julius sa kolehiyo at naging isang police officer matapos ang
kaniyang graduation.
Sa ngayon ay mayroon na
itong asawa at dalawang anak.
0 Comments