PINAY SA FLORIDA, PATAY SA MISMONG ARAW NG BIRTHDAY MATAPOS ANG HURRICANE MILTON



Patay ang isang matandang Pinay sa Tampa, Florida sa mismong araw ng kaniyang kapanganakan matapos itong mabagsakan ng sanga ng isang malaking puno pagkatapos ang pananalasa ng Hurrican Milton.

Kinilala ang Pinay na si Luisa Santos, operator ng Oakland Manor Assisted Living sa Tampa kung saan sinasabing hindi na nito nahintay ang pagdating ng tree service upang maumpisahan ang clearing operations ng mga nagkalat na sanga sa palibot ng kaniyang pasilidad.

Habang naglilinis si Santos ng mga natirang kalat na dulot ng Hurricane Milton ay isang malaking sanga ng kahoy ang bumagsak sa kaniya.

Sa pagdiriwang ng kaniyang ika-73rd na kaarawan ay siya namang ikinasawi nito.

Samantala, humigit-kumulang 17 katao na ang naitalang patay sa pananalasa ng Hurricane Milton at milyon-milyon pa ring kabahayan at mga establisyemento ang wala pa ding kuryente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog