PRODUKTONG DURIAN NG PILIPINAS, INAASAHANG MAABOT ANG MERKADO SA NEW ZEALAND



Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging available sa merkado ng New Zealand ang produktong ‘durian’ ng Pilipinas lalo na’t nagkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa ukol sa pag-export ng tropical fruit.

Ayon sa Luxon, ang Pilipinas at New Zealand ay mayroon nang magandang progreso sa iba’t ibang sektor tulad ng seguridad, pakikipagkalakalan at ekonomiya. Umaasa din sila na makapasok ang produktong pinya ng Pilipinas sa kanilang bansa.

Kamakailan, nag-request ang New Zealand ng market access ng kanilang produktong sibuyas papasok sa Pilipinas.

Samantala, tuloy naman ang konsultasyon ng Presidential Communications Office sa pagitan ng Department of Agriculture at ng Ministry for Primary Industries for New Zealand na inaasahang makukumpleto ito sa lalong madaling panahon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog