BABAE, HINANAPAN NG PANGALAWANG ASAWA ANG KANIYANG MISTER



Viral kamakailan ang kilalang singer sa Malaysia nang tumulong ito sa paghahanap ng babaeng magiging second wife ng kaniyang mister.

Kinilala itong si Azline Ariffin o si Ezlynn, 42-anyos at nagpasikat ng kantang “Hi Hi Bye Bye” noong 2003. Mayroon din siyang mahigit 173,000 followers sa Instagram.

Mukha din siya ng ilang mga food products bilang endorser.

Noong Marso 2024, isinapubliko ni Ezlynn ang kaniyang polygamous marriage sa asawang si Wan Mohd Hafizam, 47-anyos.

Sa kaparehong buwan ngayong taon ay nagpakasal sa kaniyang second wife ang mister ni Ezlynn na isang 26-anyos na doktor.

Ang desisyong ito ay ideya ni Ezlynn dahil sa pagnanais na maprayoridad ang kaniyang karera bilang isang singer kung kaya’t hinanapan niya ng pangalawang asawa ang kaniyang mister.

Paliwanag ni Ezlynn na masyado siyang abala para asikasuhin ang kaniyang asawa kung kaya’t napagdesisyunan nitong hanapan ng second wife ang asawa.

Sa bansang Malaysia, legal ang pag-aasawa ng hanggang apat ngunit kinailangang pasok sila sa requirements na nakapaloob sa Islamic Charia Law at kailangan ding kumuha ng special permission.

Nagkaroon din sila ng kasunduan ng second wife ng asawa kung saan isang linggong nasa kaniya ang lalaki, pagkatapos ay second wife naman ang makakasama ni mister.

Bagama’t inamin ng dalawang babae na pareho silang nakakaramdam ng selos sa isa’t isa, ipinahayag nitong kapag sapat namang naibibigay ng asawa ang kailangang pag-aalaga at pagmamahal gayundin nagagampanan naman nito ng tama ang responsibilidad ay wala aniyang masama na mag-share.

Binigyang-diin din niya na ang polygamy ay hindi nagwo-work para sa lahat.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog