PRICE FREEZE SA MGA APEKTADONG LUGAR NG BAGYONG KRISTINE, IPAPATUPAD

 


Nagpatupad ng price freeze sa mga basic goods ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga apektadong lugar ng bagyong Kristine.

Nangangahulugan lamang ito na mananatili sa kasalukuyang presyo ang mga pangunahing bilihin sa loob ng 60-araw.

Nitong Martes, nagdeklara na ng state of calamity ang probinsya ng Albay at bayan ng Magpet sa Cotabato dahil sa nangyaring malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, nakatakda namang paparusahan ng pagkakakulong ng isang taon hanggang sampung taon o multang P5,000 hanggang P1-million ang sinumang lumabag sa ipinatupad na price freeze.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog