KAUNA-UNAHANG DISNEY CRUISE SHIP NG ASIA, MAGSISIMULANG LALAYAG SA SINGAPORE


Aabangan ang paglalayag ng kauna-unahang Disney Cruise ship ng Asya sa Disyembre 15, 2025 na magsisimula sa Singapore.

Sa naturang cruise ship, tampok ang pitong mga areas na may temang mula sa mga pelikulang pinasikat ng Disney, Pixar, at Marvel.

Sa “Grand Reveal” na ginanap sa Singapore nitong Oktubre 15, nasaksihan ang Disney Adventure na pinagunahan ng mga mascot ng Mickey Mouse and Friends.


Sa mga nagbabalak na mag-cruise, narito ang mga aasahang areas at accommodation sa naturang cruise ship.

Una, Disney Adventure sa Marvel Landing kung saan mayroon itong tatlong bagong atraksyon: ang Ironcycle Test Run – kauna-unahang rollercoaster ng cruise line ship na may habang 250 meters; ang Pym Quantum Racers ay itinampok mula sa Ant-Man and The Wasp at ang Groot Galaxy Spin, kung saan maaring sumakay ang mga bisita sa Nova Corp Bass Jumper Vehicle.



Pangalawa, Toy Story Place kung saan mag-eenjoy ang mga bisita sa iba’t ibang aktibidad na katulad ng mga laruan ng Pixar movie. Tampok rito ang Flying Water Sauceer Splash Zone, at Woody and Jessie's Wild Slides.



Pangatlo, San Fransokyo Street ng Big Hero 6 na isang geek’s haven at naroroon ang acrade at cinema na ipinapalabas ang classic Disney, Pixar, Marvel, at Lucasfilm movies.



Pang-apat, Disney Discovery Reef na hango sa pelikulang “The Little Mermaid”, “Lilo and Stitch”, “Finding Nemo”, at “Luca”, ang magiging outdoor hub sa likod ng barko.



Panglima, Wayfinder Bay na kinuha sa “Moana” ang inspirasyon nito kung saan isang casual retreat ng mga bisita sa taglay nitong nakaka-relax na swimming pool habang nakiki-jam sa isang live musical performance.



Pang-anim, Town Square para sa mga fan ng Princesses tampok ang indoor theater at live musical performances ng sikat na Disney princesses.



At ang panghuli, ang Disney Imagination Grader kung saan tahanan iyon ng theatrical stage, open-air garden na may three-deck-tall storybook castle art piece, at eateries at bars.



Samantala, magsisimula naman ang booking sa Disney Adventure sa Disyembre 10, 2024 habang ang detalye ng mga presyo ay iaanunsyo sa Nobyembre 14.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog