MGA FOSSILS NG DINOSAUR, NADISKUBRE SA HONG KONG



Nadiskubre ng mga dalubhasa ang dinosaur fossils sa Hong Kong habang ang mga natitirang species ay hindi pa matukoy.
Ayon sa Development Bureau, nasa 145 million hanggang 66 million years ago o Cretaceous period ang tinatayang na edad ng mga natagpuang fossils sa Hong Kong.
Pinaniniwalaan na ang unang tao ay lumitaw sa Earth mga anim na milyong taon na ang nakalilipas.
Sa kabila nito, nagpapatuloy pa ang isinasagawang pagsusuri upang makumpirma ang mga species ng dinosaur.
Samantala, isinara naman ang isang pulo na parte ng Hong Kong UNESCO Global Geopark para sa gagawing paghuhukay.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog