PRESYO NG KAMATIS, TUMAAS SA P180/KILO



Tumaas ng 100% ang presyo ng kamatis sa Metro Manila matapos nitong maabot ang P180 kada kilo kumpara sa P90 per kilo noong nakaraang linggo.

Ito’y kasunod ng pinsalang dulot ng pananalasa ng bagyong Enteng sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley at Central Luzon.

Ayon sa Department of Agriculture, nakapagtala ito kabuuang P31.13-milyon na pinsala sa mga pananim, 358 hectares ang naapektuhan at 755 metric tons ng produksyon ang nawala.

Kung matatandaan, unang naiulat ang pagtapon ng mga kamatis sa Nueva Vizcaya dahilan na nangako si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na lilimitahan na nila ang pagtapon ng mga kamatis sa susunod na taon.

Sosolusyunan din aniya nila ang pabago-bago sa presyo ng mga produktong agrikultura sa pamamagitan ng konstruksyon ng malaking cold storages sa bansa.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog