Nadiskubre ng mga archaeologists ang 2,000-year-old na
libingan na mayroong kalansay ng 12 mga indibidwal sa Petra sa Jordan.
Natagpuan ang mga ito sa ilalim ng “Treasury” ng sinaunang
syudad ng Petra sa Jordan.
Sa Arabic, ang Treasury ay kilala bilang “Al-Khazneh” na
ang ibig sabihin ay “ang treasury of the pharaoh”.
Hindi naman malinaw ang saktong dahilan ng Treasury
ngunit maaring ito’y isang mausoleum para sa Nabataean king na si Aretas IV
Philopatris.
Kung matatandaan, may posibilidad na napansin ng ilang
movie lovers ang naturang site ay kung saan naroroon ang “Holy Grail” – isang baso
na sinasabing ginamit ni Hesus noong Huling Hapunan – na natagpuan sa pelikula noong
1989 na “Indiana Jones and the Last Crusade”.
Habang hinuhukay ng mga archaeologists ang nasabing libingan,
natagpuan nila ang isang kalansay na may hawak na ceramic vessel na katulad ng
isang chalice, ayon sa pahayag ng University of St Andrews sa Scotland.
Samantala, patuloy pang inaalam at pinag-aaralan ng mga
archaeologists ang pagkakakilanlan ng 12 indibidwal na natagpuan sa nabanggit
na libinga.
0 Comments