2 PASAHERO, ISINAILALIM SA IMBESTIGASYON DAHIL SA BOMB JOKES

 



Nahaharap sa imbestigasyon ang dalawang pasahero matapos mag-bomb jokes sa Bacolod-Silay Airport sa Negros Occidental nitong Sabado.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na-delay ang Manila-bound Cebu Pacific flight 5J486 dahil sa dalawang pasaherong nag-bomb jokes.

Sinabi pa ng CAAP na matapos ang masusing security check at clearance ay matagumpay namang nakalipad ang naantalang Cebu Pacific Flight 5J486 mula sa Bacolod-Silay Airport.

Habang, ikinustodiya naman ng Philippine National Police Aviation Security Group ang dalawang pasahero para sa gagawing imbestigasyon.

Samantala, ipinahayag ng CAAP na mananatiling top priority ang kaligtasan ng mga pasahero ng lahat na kaugnay na ahensya at airline partners.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog