Binansagan na “very serious” ang presensya ng North
Korean Troops sa Russia sa paglaki ng digmaan na sinimulan noong 2022 at
ikinamatay ng libo-libong katao.
Ayon kay U.S. Defense Secretary Lloyd Austin, nababahala
ito sa posibleng motibo ng presensya ng North Korea sa Russia.
Aniya pa, isang napakaseryosong isyu kapag napatunayan na
ang intensyon ng North Korea ay umanib sa Russia sa digmaan lalo na’t hindi
lang Europe ang maapektuhan kundi pati na ang Indo-Pacific.
Napag-alaman na nagsu-suplay ang North Korea ng malalaking
tindahan ng artillery shells sa Russia, partikular na sa eastern Ukraine.
Nakakatanggap din ng tulong mula sa Iran at China
gayundin sa North Korea ang Russia.
Ipinahayag naman ng mga mambabatas sa South Korea na
nagpadala ng 3,000 na mga sundalo ang North Korea sa Russia upang suportahan
ito sa digmaan kontra Ukraine.
Kung kaya’t nagbabala ang South Korea sa posibilidad na
bibigyan nila ng supply weapons ang Ukraine bilang tugon sa pagpapadala ng mga
sundalo ng North Korea sa Russia.
Kinondena din ng mga South Korean officials ang umano’y
hakbang ng North Korea bilang isang “grave security threat” sa South Korea at
sa international community.
Samantala, inilarawan naman ng South Korea ang North
Korea bilang “grupo ng mga kriminal” na sapilitang pinagsisilbi ang mga
kabataan sa mga Russian mercenaries para sa isang hindi makatarungang digmaan.
0 Comments