BABAE, NAHULOG AT NAIPIT SA PAGITAN NG MALALAKING BATO HABANG SINUSUBUKANG ABUTIN ANG CELLPHONE



Na-stuck ang isang 23-anyos na babaeng Australian sa pagitan ng dalawang malalaking bato nang ito’y mahulog habang sinusubukang makuha ang kaniyang cellphone.

Ayon sa ulat, nagha-hiking ang babae kasama ang mga kaibigan sa isang secluded private property sa Hunter Valley nang aksidente nitong mahulog ang kaniyang cellphone at nauna ang ulo nitong mahulog sa sampung talampakan na taas sa pagitan ng dalawang malalaking bato.

Sinubukan siyang tulungan ng mga kaibigan ngunit nabigo ang mga ito kung kaya’t agad silang nagtawag ng tulong.

Nang dumating ang New South Wales (NSW) Ambulance, halos isang oras na ang lumipas na nakalambitin patiwarik ang babae.

Matapos ang pitong oras ay matagumpay na nakawala mula sa pagkakaipit ang babae at agad isinugod sa ospital kung saan nagtamo ito ng ilang mga sugat at gasgas sa katawan.

Habang, hindi naman nakuha ang kaniyang cellphone matapos itong mailigtas.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog