Opisyal nang idineklara ni Pope Francis ang 14 na bagong
mga santo ng Simbahang Katoliko sa isang seremonya sa St. Peter’s Square.
Binasa ng obispo ang proklamasyon ng canonization habang
nakaupo sa harap ng altar matapos ibinahagi ni Cardinal Marcello Semeraro ang
kwento ng bawat 14 na mga santo.
Kabilang sa mga bagong santo ang 11 martyrs of Damascus,
grupo ng walong Franciscan friars at tatlong laymen na pinatay sa Syria ng mga
militanteng Druze noong 1860.
Na-canonized din ang paring Italyano na si Giuseppe
Allamano, nagtatag ng Consolata Missionaries at na-beatified ni Pope John Paull
II noong 1990.
Pinangalanan ding mga santo ang dalawang madre na sina Marie-Leonie
Paradis, mula sa Canada at nagtatag ng Little Sisters of the Holy Family noong 1880.
Makalipas ang dalawang taon, si Elena Guerra, mula sa
Italy, ang nagtayo ng Oblates of the Holy Spirit.
Samantala, pinasalamatan naman ni Pope Francis ang mga
inidibidwal na naroroon sa seremonya lalung-lalo na ang pangulo ng Italian
Republic na si Sergio Mattarella.
0 Comments