NIPPLE COVER, GINAWANG STICKER SA DINGDING


 

Kinaaliwan ng mga netizens ang ginawa ng batang nagngangalang “Minmin” matapos nitong gawing sticker sa dingding ng kuwarto ang “waterproff nipple cover” ng kaniyang ina.

Sa post ni Cristine Jay Peje, makikita ang larawan ng isang bata na namamangha habang nakatingin sa dalawang magkahiwalay na “nipple cover” na nakadikit sa dingding ng kanilang kuwarto.

 “Gagamitin ko pa naman sana sa swimming yan”, caption sa post.

“Naka order na ako bodysuit ei”, dagdag pa nito.

Nag-viral naman ang naturang post na umabot sa 35K ang nag-react at mayroong 2.2K na shares.

Sa ulat, kinuwento ng ina ng bata na nakahiligan na ng anak na paglaruan ang hindi pa nagagamit na nipple cover magmula ng malaman na dumidikit ito.

Kung kaya’t napagdesisyunan na lang ni Cristine na ibigay ang luma niyang nipplecover kay Minmin upang ipaglaro, ngunit pinaalalahanan din siyang huwag nang pakialaman ang bago.

Narito naman ang ilang nakatutuwang komento ng netizens na naka-relate sa kuwelang pangyayari.

“Hahahaha. Yung sakin ginagawa nilang patch sa mata hhaahahaha.”

“HAHAHAHAHA ganyan din akin sissy kinakabit nya sa tumbler amaze na amaze sa pagdikit”

“Ginawang sticker”

“Ganda ng laruin ni minmin ah”

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog