MGA PRODUKTO SA SHEIN AT TEMU, NAKITAAN NG TOXIC SUBSTANCES NG AWTORIDAD SA SEOUL



Nakitaan ng mga toxic substances ng mga awtoridad sa Seoul ang mga accessories na ibinibenta ng ilang kilalang online shopping firms.

Ayon pa sa awtoridad sa Seoul, nadiskubre nilang ilang daang beses pang mas mataas sa mga katanggap-tanggap na antas ang taglay ng nakakalasong sangkap sa mga women’s accessories mula sa mga kilalang online shopping firm.

Naging popular na sa buong mundo ang online shop na Shein, Temu, at AliExpress ng China kung saan nag-aalok ito ng malawakang damit ng sumusunod sa trend at mga accessories sa mababang presyo.

Kung kaya’t puspusan din ang pagsasagawa ng inspeksyon ng mga opisyales ng Seoul kung saan linggo-linggo nilang sinusuri ang safety standards ng bawat item na ibinibenta ng mga online platforms.

Sa pinakabagong inspeksyon, 144 na mga produkto ng Shein, AliExpress at Temu ang sumailalim sa test at nabigo itong maabot ang legal standards.

Kabilang na rito ang sapatos ng Shein na nakitaan ng mataas na libel ng phthalates – mga chemical na ginagamit sa mga plastic upang maging flexible.

Natagpuan naman sa dalawang bote ng nail polish mula sa Shein ang dioxane – na posibleng isang human carcinogen na maaaring magdulot ng liver poisoning.

Habang, mayroong mga lead ang natagpuan sa mga sandals mula sa Temu na mas mataas ng 11-beses sa permissible limit.

Dahil dito, inatasan ng Seoul officials na tanggalin ang mga produktong nakitaan nila ng banta sa kaligtasan ng mga mamimili.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog