Hinatulan ng kamatayan ang isang Pilipino sa Kingdom of
Saudi Arabia dahil sa kasong murder sa isang Saudi Arabian national.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary
Eduardo de Vega, sa kabila ng pagpadala ng kanilang presidential letter of
appeal ay hindi pa rin ito naging epekto at itinuloy pa din ang parusang
kamatayan sa kababayang Pilipino.
Aniya pa, mas pinili ng pamilya ng biktima ang parusang death
penalty sa halip na tanggapin ang blood money.
Sinabi pa ni Vega na ayaw isapubliko ng pamilya ng
nasabing Pilipino ang naturang kaso.
As of March 2023, mayroon nang 83 na mga Pinoy sa abroad
ang nasa death row sa iba’t ibang mga bansa sanhi ng magkakaibang pagkakasala.
Sa nasabing bilang, 56 ang nasa Malaysia habang ang
natitira ay nahaharap sa death row sa mga bansang United Arab Emirates, Saudi
Arabia, Indonesia, Maldives, Sri Lanka, China, Vietnam, USA, Japan at Brunei.
Samantala, karamihan sa mga kaso ng death row ay may
kinalaman sa ilegal na droga at pagnanakaw.
0 Comments