ARMY VS NPA, ENGKWENTRO SA NEGROS OCCIDENTAL


Tumagal ng pitong minuto ang labanan sa pagitan ng mga sundalo ng 79th Infantry Battalion (IB) at ang natitirang New People’s Army (NPA) sa Baranagy Macasilao, Calatrava, Negros Occidental.

Ayon kay Capt. Dan Carlo Samoza, civil-military operations (CMO) officer ng the 79th IB, nagkakaroon ng disaster preparedness training sa naturang barangay bilang parte ng Modified Community Sustainment Support Program (MCSSP).

Ngunit, mabilis na rumesponde ang mga sundalo sa isang impormasyon mula sa komunidad ukol sa presensya ng mga rebeldeng NPA sa lugar at humantong sa pagpapalitan ng putok.

Wala namang nasugatan sa hanay ng mga sundalo habang may posibilidad na may sugatan sa grupo ng mga rebelde dahil sa nakitang bakas ng dugo sa lugar.

Hindi pa nagpahayag ng kumpirmasyon si Samoza dahil sa nagpapatuloy pa ang pursuit operation.

Dagdag pa ni Samoza na sinubukang bawiin ng mga rebelde ang lugar at hadlangan ang programa ng gobyerno sa pag-promote ng peace and development.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog