MALAWAKANG PAGSABOG, SINAKOP ANG KALANGITAN SA TYRE, LEBANON



Halos natatabunan na ng usok at mga flare mula sa pagsabog ang kalangitan sa baybayin ng Tyre, Lebanon nitong Lunes, Oktubre 7.

Ayon sa spokesperson ng Israeli army's Arabic, nag-isyu sila ng agarang babala sa mga tao na lumayo sa beach o dapat walang mga bangka sa baybayin ng Lebanon mula sa Awali river southward.

Sinabi ng mga militar ng Israel na ang air force ay nagsasagawa ng malawakang pagbobomba sa mga target ng Hezbollah sa south Lebanon at dalawang sundalong Israeli ang namatay. Kung saan, nakapagtala na ng 11 patay sa hanay ng Israeli military sa Lebanon.

Nitong Lunes ay ang unang anibersaryo ng gyera sa Gaza na pinagmulan ng mainit na away sa Middle East habang patuloy naman ang kampanya ng Israel laban sa Iranian-backed militant movement Hezbollah sa Lebanon.  

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog