GRADE 7 STUDENT, NAGPAPUTOK NG BARIL SA CLASSROOM DAHIL SA GAGAMBA



Ikinustodiya ng pulisya ang Grade 7 student ng isang pampublikong eskwelahan sa Dumaguete City, Negros Oriental matapos itong magpaputok ng baril dahil sa ninakaw umano ang kaniyang gagamba.

Sa ulat, naglabas ng kalibre .45 na baril ang 12-anyos na estudyante nang madiskubre nitong nawawala ang kaniyang gagamba.

Tumungo sa bintana ng classroom ang estudyante at doon nagpaputok ng baril.

Sa takot ay mabilis na nagtakbuhan ang mga kaklase nito mula sa classroom na nasa ikatlong palapag.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Samantala, nai-turn na ang Grade 7 student sa kustodiya ng mga social workers.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog