PILOTO NG TURKISH AIRLINES, PATAY SA KALAGITNAAN NG FLIGHT


Patay ang isang piloto ng isang Turkish airlines matapos itong mahimatay sa kalagitnaan ng flight dahilan na nag-emergency landing ang naturang eroplano sa New York.

Nag-take off ang eroplano mula sa western US coastal city ng Seattle nitong Martes ng gabi.

"The pilot of our Airbus 350... flight TK204 from Seattle to Istanbul collapsed during the flight,”, ayon sa pahayag ni airline spokesman Yahya Ustun.

Sinubukan pang bigyan ng paunang-lunas ang piloto ngunit namatay ito bago pa man mag-landing ang eroplano.

Sa ulat, ang 59-anyos na piloto ay nagtatrabaho sa Turkish Airlines mula pa noong 2007 at nakapasa sa medical examination noong Marso dahilan na wala itong indikasyon ng problema sa kalusugan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog