3 PASAHERONG NAKA-CROP TOP, PINABABA SA EROPLANO


 

Pursigidong magsampa ng reklamo ang tatlong babae kontra sa isang kompanya ng eroplano matapos silang pababain dahil sa suot nilang damit.

Nagsimula ang insidente ng sumakay ng eroplano ang magkakaibigan mula sa Los Angeles, California papunta sana sa New Orleans, Louisiana.

Habang papaakyat ang dalawang babae ay nakasuot pa ito ng sweater hanggang sa napagdesisyunan nilang tanggalin ito dahil sa hindi pa pinapaandar ang air conditioning system sa cabin na hindi maka-take off.

Ilang saglit pa ay bigla silang nilapitan ng isang lalaking flight attendant at agresibo silang sinabihan na magsuot ng sweater.

Narinig naman ito ng isa pang babaeng pasahero at ipinagtanggol ang dalawang babae sanhi ng mainit talaga ang panahon noong oras na iyon.

Gayundin, katulad nila ay nakasuot din ito ng crop top na tinabunan ng sweater.

Dahil sa nangyaring komosyon ay tinanggal din nito ang suot na sweater upang ipakita ang suporta sa dalawang magkaibigan kahit na hindi niya kakilala.

Dito na sila pinababa ng eroplano at hindi binigyan ng refund.

Nakiusap pa sina Tara Kehidi at Teresa Araujo na kung pupwede pa nilang maisuot muli ang sweater ngunit hindi na sila pinayagan pa.

Napag-alaman na gumastos ang magkaibigan ng 1,000 USD o P57,000 para sa last-minute flight papuntang New Orleans upang ipagdiwang ang kaarawan ni Tara.

Nakaramdam naman sila ng inis sa nangyari at pagtrato sa kanila bilang mga kriminal dahil lang sa suot nilang crop top.

Batay sa Contract of Carriage ng airline company, maaari nilang tanggihan ang customer o pasahero kapag wala silang suot na sapatos o hindi angkop ang kanilang kasuotan.

Ngunit hindi naman nabanggit ang pagsuot ng crop top sa itinuturing na “lewd, obscene, or offensive in nature.”

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog