Pinangalanan ni New York City mayor-elect Eric Adams ang
limang kababaihan na makakasama niya bilang mga deputy mayors kabilang na ang
Filipino-American na si Maria Torres-Springer.
Si Springer ay isa sa mga pinili ni Adams sa ilalim ng
kaniyang administrasyon na tutulong sa lungsod na makapagsimula muli mula sa
pandemya kung saan siya ang itinalagang deputy mayor para sa economic and
workforce development.
Kung saan, trabaho nitong tiyakin ang pagbangon ng syudad
mula sa naging epektong idinulot ng pandemya noong nagdaang mga taon.
Hindi na bago sa New York city government si Torres-Springer
matapos nitong pamunuan ang tatlong mga ahensya sa lugar.
Kamakailan, nagsilbing commission para sa Department of
Housing Preservation and Development ang lungsod, ang pinakamalaking municipal
housing agency ng bansa.
Samantala, si Torres-Springer din ang naging
kauna-unahang babaeng pangulo ng New York City Economic Development Corp. kung
saan pinangunahan nito ang pagpapatupad ng bagong city wide ferry service at gumawa
ng malalaking pamumuhunan sa mga pangunahing sektor sa ekonomiya ng lungsod.
0 Comments