Magbibigay ng P25-milyon ang pamunuan ni Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. para sa provincial government ng Batanes bilang tulong sa
unti-unting pagbangon nito kasunod ng pananalasa ng Bagyong Julian.
Personal na bumisita sa probinsya ng Batanes si Marcos upang
masaksihan ang pamamahagi ng tulong sa mga residente sa Oval Plaza sa
munisipalidad ng Basco.
Ipinahayag pa ni Marcos sa kaniyang pagbisita sa lugar na
magbibigay din ng P15-milyon na tulong si House Speaker Ferdinand Martin
Romualdez para sa mga apektadong residente.
Samantala, idineklarang nasa state of calamity ang
probinsya ng Batanes bunsod ng bagyong Julian kung saan hanggang ngayon ay
limitado pa din sa lugar ang public utilities at services tulad ng tubig,
kuryente, at linya ng komunikasyon.
0 Comments