Nagsimulang gumawa ng apoy ang isang lalaki sa Colorado, U.S.A. para sana i-cremate ang namatay nitong alagang aso ngunit nauwi ito sa isang wildfire.
Nasunog kasi ang nasa 28-square-kilometer private property kabilang na ang isang tirahang cabin kung saan umabot sa $200,000 o P11-milyon ang halaga ng danyos nito.
Sinasabing tumalsik ang apoy sa malapit na puno nang ihagis ng isang lalaki ang spray can sa apoy tsaka ito sumabog hanggang sa lumaki pa ang apoy at humantong sa wildfire.
Agad namang inaresto ang lalaki at sinampahan ng kasong arson at trespassing nang matapos ang imbestigasyon ng mga wildfire investigators.
0 Comments