COLDPLAY, MAGRERETIRO NA PAGKATAPOS NG KANILANG 12TH ALBUM

 


Ibinunyag ni Chris Martin, frontman ng Coldplay, na gagawa lamang ng kabuuang 12 albums ang kanilang banda bago magretiro.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Martin ang kanilang pagreretiro matapos na mai-release ang kanilang 12th studio album.

“We are only going to do 12 proper albums and that’s real,” saad ni Martin.

“Having that limit means the quality control is so high right now and for a song to make it, it’s almost impossible, which is great. And so where we could be coasting, we're trying to improve”, dagdag pa nito.

Ngunit, sa kabila ng kanilang pagtatapos, sinabi ni Martin na may posibilidad na magkakaroon pa din ang kanilang banda ng ilang side projects kasama ang mga kabanda nitong sina Jonny Buckland, Guy Berryman, at Will Champion.

Ang Coldplay ay nakatakdang i-release ang kanilang 10th album na “Moon Music” sa Oktubre 4.

Samantala, magpe-perform ang banda sa Enero ng dalawang gabi sa Philippine Arena.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog