OPERASYON NG PALIPARAN SA LEBANON, TULOY PA DIN SA KABILA NG PAG-ATAKE NG ISRAEL


Nagbahagi ng larawan ang isang Lebanese sakay ng eroplano papalabas sa Beirut, Lebanon.

"Proud to be a Lebanese who can travel on my national airline in a time of war," ani ng 46-year-old na nanay na Lebanese.

Matandaang karamihan ng mga paliparan sa nasabing bansa ay ipinatigil dalawang linggo ng nakararaan dahil sa ginawang pag-atake ng air strikes ng mga Israeli sa armadong grupo na Hezbollah.

Sa kabila nito, tanging ang national carrier Middle East Airlines (MEA) ang nananatiling eroplano na tuloy ang operasyon sa Beirut kahit na may nakaambang panganib.

Dahil dito, maraming netizen ang sumaludo sa kakaibang tapang na pinakita ng MEA sa mga taga-Lebanon na naiipit sa nagpapatuloy na gyera kontra Israel.

"MEA is the most badass airline on the planet," komento ng isang netizen.

Samantala, nakapagtala na ng mahigit 1,100 katao ang namatay sa nangyaring pag-atake habang 3,800 ang sugatan at mahigit isang milyon ang lumikas.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog