Nahaharap ngayon sa hamon ng kalikasan ang Utah nang matuyo ang Great Salt Lake.
Ang Great Salt Lake ay isa sa pinakamalaking lawa sa
buong mundo at halos 2/3 ng surface nito ang nawala sa loob ng 40-taon dahil sa
agricultural sector, industriya ng pagmimina at tagtuyot.
Halos kalahati sa populasyon ng naturang estado ng United
States ay mga Mormon kung saan karamihan sa kanila ay tapat sa Republican Party
sa kabila ng pag-aalinlangan ni presidential candidate Donald Trump sa climate
change.
Samantala, maraming residente ang nababahala sa
pagkakatuyo ng lawa kung kaya’t inumpisahan na ng Mormon Church ang hindi
paggamit ng tubig.
0 Comments