NEPALI TEENAGER, NABANSAGANG BAYANI MATAPOS MAAKYAT ANG 8,000M NA TUKTOK NG BUNDOK SA BUONG MUNDO


Hinirang ng madla ang isang 18-anyos na Nepali mountaineer nang ligtas itong nakabalik matapos ma-break ang record bilang pinakabatang indibidwal na naakyat ang 8,000-meter na tuktok ng bundok.

Naabot ni Nima Rinji Sherpa ang summit ng Tibet na may taas na 8,027-meter o katumbas ng 26,335 talampakan na itinuturing na pinakamataas sa buong mundo.

Mainit naman siyang sinalubong ng mga kababayan nang matagumpay itong nakabalik sa Kathmandu, Nepal mula sa China dala ang bandilang kaniyang ginamit sa pagwagayway habang nasa tuktok ng nasabing bundok.

Maliban kay Sherpa, sinalubong din ang ilan pang kasamahan nito na napagtagumpayan makumpleto ang summit ng 14 peaks.

Nadaanan ng mga climbers ang “death zones” kung saan walang sapat na oxygen sa hangin upang mapanatili at mapatagal ang buhay ng isang tao.

Magugunita noong 1986, unang nakumpleto ng isang Italian climber na si Reinhold Messner ang naturang summit.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog