160K BAGONG RNA VIRUSES, NATUKLASAN NG AI RESEARCH

 


Mahigit 160,000 na mga viruses na lingid sa kaalaman ng mga dalubhasa ang natuklasan gamit ang specialized artificial intelligence (AI) program.

Sa tulong ng LucaProt, isang AI program, nadiskubre nito ang nagdaang RNA viruses na hindi matukoy ng mga dalubhasa na naka-stored sa isang database ng isang genetic material na mula sa ecosystems ng buong mundo.

Ang RNA viruses – kabilang na ang coronaviruses – ay mayroong genetic material na binubuo ng single ribonucleic acid (RNA) strand, kumpara sa double-stranded DNA sa DNA viruses tulad ng Herpes viruses.

Lumalabas sa mga pag-aaral kung paano naging “transformational” AI para sa mga scientists upang matukoy ang protein structure at mahanap ang divergent viruses.

Samantala, ang ginamit na LucaProt AI algorithm sa naturang pag-aaral ay gumagana kapareho sa pamamaraan ng AlphaFold system na kinilala sa ngayong taong chemistry Nobel Prize.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog