NAG-FILE NG COCs PARA SA 2025 ELECTION, ILALABAS NG COMELEC


Ilalabas ng Comelec sa kauna-unahang pagkakataon ang kopya ng lahat ng naghain ng certificate of candidacy para sa 2025 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, dalawang linggo pagkatapos ng Oktubre 8 ay opisyal na makikita ng publiko ang mga naghain ng kanilang COCs na siyang kauna-unahan sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas.

Hindi naman kasama sa mga makikita ng publiko ang birth certificate ng mga kandidato dahil hindi naman ito kabilang sa mga requirements na hinihingi ng Comelec para sa mga kandidato.

Sa kabila nito, ipinaliwanag din ni Garcia ang magiging proseso kung sakaling makansela ang certificate of candidacy ng isang nanalong alkade.

“Kapag finile-an kita ng cancellation of certificate of candidacy, hindi natapos ng Comelec, nakatakbo ka, nanalo ka, later on kinancel namin ‘yung candidacy mo kasi hindi ka naman talaga Pilipino o nagsinungaling ka. Ang mai-poproklama po namin… ay hindi ‘yung succession, hindi si vice mayor, hindi si vice governor, kundi ‘yung second place. Why? Because as if you did not become a candidate,” pagdidiin ni Garcia.

Samantala, nakatakda namang magtatapos ang filing ng COCs sa Oktubre 8, ngayong taon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog