Nakatakdang dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa
kaniyang kapwa Asian leaders sa Vientiane, Laos sa susunod na linggo para sa
ika-44 at ika-45 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and
Related Summits.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant
Secretary Daniel Espiritu of the Office of ASEAN Affairs, ipagpapatuloy ni
Marcos ang pag-promote at pagtibayin ang interes ng Pilipinas sa ASEAN.
Aniya pa, iha-higlight nila ang kanilang mga adbokasiya
sa connectivity at resilience lalo na ang pagtibayin ang digital economy,
pagsuporta sa mga MSMEs (micro, small, and medium enterprises), pag-promotion
ng renewable energy development, at maipaabot ang epekto ng climate change.
Patuloy ding dedepensahan ng Pangulo ang Philippine
sovereignty rights at jurisdiction alinsunod sa international law.
Samantala, dadalo din sa Second Asia Zero Emission
Community Leaders' Meeting, isang sideline event, si PBBM kung saan pag-uusapan
ang tungkol sa decarbonization sa ekonomiya ng ASEAN.
0 Comments