MILLIE BROWN, IBINAHAGI ANG KANIYANG WEDDING PHOTOS KASAMA ANG ASAWANG SI JAKE BONGIOVI



Opisyal nang ibinahagi na British actress na si Millie Bobby Brown ang mga larawan mula sa kaniyang kasal kasama ang asawang si Jake Bongiovi.

Naiulat na ang young couple ay nagpakasal nitong buwan ng Mayo na siyang kinumpirma ng ama ni Jake na si rockstar Jon Bon Jovi.

Makikita sa mga larawan ang paghahalikan ng dalawa sa ilalim ng flower arch at ang magkasamang nakangiti sa loob ng grand mansion at ang lavish garden.

Suot naman ng “Stranger Things” star ang isang lace gown habang si Jake ay naka-black-and-white tuxedo.

Ayon sa ulat, ikinasal ang dalawa sa Villa Cetinale sa Italy matapos ma-engaged noong 2023.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog