ANTHONY JENNINGS AT NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND, BREAK NA NGA BA?

 


Usap-usapan ngayon ang umano’y hiwalayan nina Anthony Jennings at longtime nitong non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva

Ito’y matapos mapansin ng mga netizens ang mga reposts ni Villanueva sa social media tungkol sa pagtataksil at heartbreaks.

Ilan sa mga reposted TikTok videos ni Villanueva sa page nito ay ang isang clip mula sa isang American TV series na “Shameless” kung saan ang karakter ni Emmy Rossum ay makikitang lumalakad papalayo.

 “Finding out what they did behind my back,” mababasa sa caption nito.

Isa pang video na pinost ni Villanueva na may caption na: “The audacity to act like nothing happened. As if they didn’t disrespect and hurt people, ruin someone’s mental health, and cause trauma.”

Tila naka-relate pa si Villanueva sa isa pang video na pinost nito na nagsasabing hindi niya malilimutan ang pag-uusap nila ng isang babae na hindi dapat ipag-alala.

“Saving your reputation from the start till the very end by not saying any story and everything I saw. There are things better left unsaid,” caption sa video.

Kaugnay nito, napansin ito ng mga netizens at pinagsuspetsahan na ang naturang mga post ni Villanueva ay may kaugnayan sa relasyon nito kay Jennings na kasalukuyang nali-link sa love team partner nitong si Maris Racal.

Ngunit, sinabi ni Jennings sa isang panayam na masaya ito sa pagiging supportive ng kaniyang girlfriend sa kabila ng trabaho nito.

Idiniin pa ni Jennings na importante talaga ang komunikasyon sa relasyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog