Matagumpay na nailigtas ang 19 na mga indibidwal na
sinasabing mga biktima ng trafficking in person (TIP) na sakay ng isang
pampasahero o RoRo vessel sa Port ng Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon sa PCG, napansin ng PCG Sea Marshals sa kanilang
roving inspection ang grupo ng mga pasahero na nag-uusap ukol sa kanilang
intensyon ng pagbyahe sa Malaysia.
Agad namang nakipag-ugnayan ang PCG personnel sa
Philippine National Police (PNP) Maritime Police Station at nagsagawa ng
comprehensive scanning sa mga pasahero.
Sa gitna ng profiling at interview, umamin ang mga
biktima ng kanilang dahilan sa pagpunta sa Sabah, Malaysia sa pamamagitan ng
ilegal na backdoor route to work na walang kaukulang mga dokumento.
Pinangunahan naman ng Municipal Inter-Agency Committee
Against Trafficking (MIACAT) ang pagpapatuloy sa mga biktima ng TIP.
Nakatanggap din sila ng counseling at stress debriefing.
Sa huli, dinala sila sa Ministry of Social Service
Development sa Bongao Tawi-Tawi para sa dagdag na tulong.
0 Comments