BORACAY, MULING KINILALA BILANG 3RD TOP ISLAND SA ASYA NG CONDÉ NAST TRAVELER READERS’ CHOICE AWARDS 2024



Muling kinilala ang isla ng Boracay bilang ikatlong Top Island sa Asya ng Condé Nast Traveler Readers’ Choice Awards 2024.

Sa ngayong taong Top 10 Islands sa Asya, pasok pa din ang Boracay Island kasama ang ilan pang tourist destination ng Pilipinas.

Napanatili ng Pilipinas ang pwesto nito kung saan pasok sa ikaanim na pwesto ang Palawan, Cebu at Visayan Islands na nasa pangwalo, at Siargao na ikasampu.

Halos nasa mahigit kalahating milyong mga byahero ang bumoto sa naturang prestihiyosong survey ng Condé Nast Traveler, isang kilalang luxury at lifestyle travel magazine.

Nakakuha ng 91.94 points ang Boracay na nagpapatibay sa posisyon nito habang ang Palawan ay may 90.68 points, Cebu at Visayan Islands na may 90.29 points, at Siargao na may 87.37 points.

Ang naturang pagkilala ay isang paalala na ang Pilipinas ay patuloy na nangunguna sa paboritong puntahan ng mga turista.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog