MANILA, DINOBLE ANG CASH AID SA MGA SENIOR CITIZEN


Inaprubahan ng pamahalaan ng Manila ang ordinansang taasan ang buwanang cash allowance na ibinibigay sa mga senor citizen.

Opisyal na nilagdaan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Ordinance 9081 na naglalayong taasan mula sa P500 ay magiging P1,000 na ang tatanggaping cash aid allowance ng mga senior citizen na residente ng Manila.

Sisimulan namang ipatupad ang nasabing ordinansa sa susunod na taon.

Napag-alamang naglaan ang local government ng pondong P2.4-bilyon para sa allowances ng mga senior citizen sa 2025.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog