Personal na dinala ng Kapamilya actor na si Donny
Pangilinan ang mga box ng relief goods na donasyon sa opisina ng Angat Buhay sa
Quezon City para sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Makikita sa mga larawan ng Angat Buhay na official Facebook
ang pag-abot ng aktor ng mga relief goods na nakatakdang ipapadala sa mga lugar
na labis na naapektuhan ng bagyo kabilang na ang Naga City at rehiyon ng Bicol.
“Heartfelt thanks to Donny Pangilinan for personally
delivering relief goods at the Angat Buhay office,” pahayag sa post ng Angat
Buhay.
Sa kabila ng pagiging abala ni Donny, kilala ito sa
pagiging aktibo na sumusuporta sa pagtulong ng Angat Buhay.
Kamakailan, naging parte din si Donny sa isang relief
operations sa Naga City.
Sa ngayon, nakatanggap na ng mahigit P9.8-milyong halaga
ng cash donations ang Kaya Natin!, isang non-government organization, para sa
mga Pilipinong nasalanta ng bagyong Kristine.
0 Comments