Inilunsad ng Department of Education (DepEd) at
Department of Health (DOH) ang pagbuhay sa School-Based Immunization program sa
pamamagitan ng Bakuna Eskwela upang bigyang-proteksyon ang estudyante mula sa
nakakamatay na vaccine-preventable diseases (VPDs).
Pinangunahan ito ni Education Secretary Sonny Angara and
Health Secretary Ted Herbosa nitong Lunes sa Dr. A Albert Elementary School sa
Manila.
Ipapatupad din ang kampanyang Bakuna Eskwela sa mga piling
pampublikong eskwelahan sa iba’t ibang probinsya ngayong Oktubre hanggang Nobyembre
2024, matapos ang apat na taong pagkaantala dahil sa COVID-19 pandemic.
Mula sa pondong P853-milyon, layunin ng Bakuna Eskwela na
ma-immunize ang humigit-kumulang 3.8 milyon na public school students na naka-enrol
sa Grades 1 at 7 na may MR at Td vaccines.
Gayundin, nasa 973,930 na mga babaeng estudyante sa Grade
4 sa mga piling pampublikong paaralan ang babakunahan ng HPV na mapoprotekta
laban sa cervical cancer.
0 Comments