Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos itong mahulog
sa tulay nang umakyat ito para sa gagawing content sa kaniyang social media.
Ayon sa awtoridad, may kasamang 24-anyos na Briton ang
biktima nang mangyari ang insidente nitong Linggo.
Inakyat ng biktima ang cable-stayed na tulad sa Talavera
de la Reina na nasa 110-kilometers southwest ng Madrid.
Napag-alaman na umuulan noong araw na iyon sa Talavera na
posibleng naging dahilan ng pagkakadulas ng biktima sa tulay.
Itinuturing na isang atraksyon ang naturang tulay na
mayroong 152 wire ropes at tanaw na tanaw ang magandang tanawin ng buong lugar
dahilan na maraming social media content creator ang sumusubok na gumawa ng
content dito sa kabila ng ilang paalalang ipinagbabawal ang pag-akyat dito.
0 Comments