IRAN, HANDA SA MANGYAYARING GYERA NGUNIT HANDA RIN ITO SA KAPAYAPAAN

 


‘WE ARE READY FOR WAR, BUT WE ARE ALSO READY FOR PEACE’

Ito ang sinabi ng Iran lalo na’t nananatili pa rin ang Middle East sa high alert para sa Israel na gumanti laban sa Iran kasunod ng pagpapaulan nito ng long-range missiles.

Ayon kay Iranian foreign minister Abbas Araqchi, kinailangan nang tapusin ang nangyayaring gyera sa gitna ng Israel at mga taga-Gaza at Lebanon.

Sa kabila nito, naniniwala ang mga opisyal ng U.S. na target ng Israel ang military at energy infrastructure sa Iran gayundin ang mga pasilidad ng nuclear.

Dahil sa nangyayaring outbreak ng all-out war, maapektuhan nito ang shipping lines sa rehiyon na posibleng banta sa lahat ng pag-export ng energy at bumuo ng pinakamalaking krisis sa enerhiya.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog