BALLOT BOXES, SINUNOG SA WASHINGTON, OREGON



Dalawang kaso ng arson ang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Washington at Oregon matapos na sinunog ang mga ballot boxes, isang linggo bago ang araw ng U.S. election.

Sa isang news conference, natagpuan ng mga pulisya ang isang incendiary device na nakalagay sa ballot box sa Portland, Oregon na naging dahilan ng sunog nitong Lunes.

Sinabi naman ng mga opisyales ng election na dahil sa fire suppressant system na nasa loob ng box ay hindi masyadong napinsala ang mga balota.

Kaugnay nito, isa pang kaparehong kaso ang nirespondehan sa syudad ng Vancouver kung saan pinaghihinalaan din na dahilan ng pagkasunog ay ang incendiary device.

Naniniwala ang mga kapulisan na ang dalawang insidente ay pawang may kaugnayan sa inilabas na still image mula sa surveillance camera na nagpapakita ng isang Volvo na sasakyan sa tabi ng isa sa mga drop box bago ito nasunog.

Samantala, nangako si Multnomah County, Oregon Chair Jessica Vega Pederson na hindi siya magpapaapekto at hindi niya hahayaang makagambala ang nasabing mga insidente sa araw ng botohan sa Nobyembre 5.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog