GURO SA ISANG PAMPUBLIKONG PAARALAN SA MISAMIS ORIENTAL, ARESTADO DAHIL SA PANG-AABUSO SA MGA ESTUDYANTE NITO


Kulong ang isang public school teacher sa Balingasag, Misamis Oriental matapos ang umano’y panghahalay nito sa kaniyang mga estudyante.

Sa ulat, dinakip ang nasabing 43-anyos na suspek sa mismong bahay nito sa Barangay Waterfall dala ang search warrant.

Kasabay sa operasyon ng pulisya ay nasagip umano nila ang mga biktima na pawang menor de edad.

Narekober din sa bahay ng suspek ang ilang mga gadgets na naglalaman ng mga sensitibong videos at larawan ng mga biktima na kasama ang suspek.

Kinumpirma naman ito ni PNP-WCPC Mindanao Field Unit Chief, Lieutenant Colonel Mario Baquiran na kung saan ipinahayag nitong ginalaw aniya ng suspek ang mga biktima.

Dagdag pa rito, umamin sa ginawang kahalayan ang suspek kung saan binibigyan niya ang mga biktima ng P300 hanggang P500 pagkatapos itong gawin.

Dahil dito, mahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act (RA 11930) ang suspek.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog