Karumaldumal na patayan ang sinapit ng mga biktima sa
southern French city ng Marseille bunsod ng ilegal na droga.
Sa ulat, ang Marseille ay pangalawa sa pinakamalaking
lungsod ng France ngunit isa din sa pinakamahirap na siyang ginagambala ng mga karahasan
na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Isa sa mga biktima nito ay ang 15-anyos na binatilyo na
sinaksak ng 50 beses at sinunog pa ng buhay nitong Miyerkules.
Habang nitong Biyernes, isang 36-anyos na football player
ang binaril at pinatay “in cold blood” ng isang 14-anyos sa isang kaso na
nauugnay sa pagpatay noong Miyerkules.
Ang kamakailang mga kaso ng pagpatay ay nangangahulugan
na ang bilang ng mga drug-related killings sa Marseille ay tumaas sa 17 mula ng
magsimula ang taong 2024.
Ayon kay Franck Rastoul, public prosecutor sa
Aix-en-Provence court of appeal, ang mga kabataan sa lugar ay agad na
nahuhumaling sa mabilisang pera mula sa droga dahilan na isinasawalang-bahala
ng mga ito ang buhay ng tao.
Samantala, nakapagtala na ng 49 deaths ang Marseille
noong nakaraang taon dahil sa drug-related violence.
0 Comments