DUBAI PRINCESS, INILUNSAD ANG “DIVORCE” SCENT MATAPOS ANG PAKIKIPAGHIWALAY SA ASAWA



Inilunsad ng Dubai princess ang bagong perfume na pinangalanang “Divorce” matapos itong mag-viral nang ianunsyo ang kaniyang diborsyo mula sa asawa.

Sa official website ng Princess Shaikha Mahra Mohammed Rashed Al Maktoum's brand, taglay ng naturang pabango ay ang kumpiyansa at bagong simula. Perpekto rin ito para sa mga taong nagpapahalaga ng kagandahan at pagbabago.

Aabot naman sa AED 1,000 o nasa P15,42 ang presyo nito.

Maliban sa perfume, inilunsad din ng Dubai princess ang hair at body spray na mayroong “light, invigorating scent” gayundin, mayroon itong glittery powder na nagbibigay ng “radiant, shine-enhanced finish” sa balat.

Lumabas ito limang buwan pagkatapos ng pagdedeklara nito sa social media ng kaniyang diborsyo sa partner nito.

“Dear Husband, as you are occupied with other companions, I hereby declare our divorce. I divorce you, I divorce you, and I divorce you,” saad sa kaniyang post.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog