DANCING QUEEN SA LOOB NG SIMBAHAN?

 


Usap-usapan ngayon sa social media ang nag-viral na performance ni Julie Anne San Jose na kumanta ng “Dancing Queen” sa harap ng altar sa isang simbahan sa Occidental Mindoro.

Sinasabing bahagi ng isang concert for a cause ang naturang performance na tinawag na Heavenly Harmony in Concert (Harana para kay Maria) ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Maliban sa Dancing Queen, kinanta din ng Kapuso artist ang “The Climb” ni Miley Cyrus, “Edge of the Glory” ni Lady Gaga at marami pang iba.

Bagama’t marami ang natuwa sa nasabing concert, may ilan din namang umalma dahil sa ‘inappropriate’ umano ang ginawa nito lalo na’t hindi nababagay sa loob ng simbahan ang mga kantang kinanta nito.

Napag-alaman na nakalagay sa mismong ticket ng concert for a cause na ang maiipong kita ay mapupunta sa pagpapaayos ng simbahan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog