Pinag-aaralan na ng Department of Education ang
posibilidad na gumawa ng pamantayan ng patakaran sa responsableng paggamit ng
artificial intelligence (AI) sa mga paaralan.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kinikilala
nito ang mga benepisyong naitutulong ng AI hindi lang sa mga estudyante kundi
pati na sa mga guro lalo na sa mga research at mga paggawa ng lessons.
Mas napapabilis at napapagaan ng AI ang trabaho ng bawat
guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante.
Ngunit, kaakibat naman ng AI na maaari itong abusuhin
tulad ng pangongopya sa mga exams o tests.
Kung kaya’t kinakailangan na mayroon aniyang paraan ang
mga guro na matukoy kung ang kanilang estudyante ay gumagamit ng AI sa kanilang
mga projects o assignments.
0 Comments