5 BABAE, SABAY-SABAY NA NABUNTIS NG IISANG LALAKI?


Ka-K5, matutuwa ka ba kung hindi lang ikaw ang binuntis ng iyong kinakasama? Sabay-sabay pa?

Tila mapapa-wow ka na lang sa 22-anyos na lalaking ito sa New York City nang ito’y makabuntis ng hindi lang isa kundi limang mga babae ng sabay-sabay.

Naging usap-usapan sa social media ang isang video kung saan ang mismong 22-anyos na lalaking rapper ang nag-host ng baby shower sa kaniyang mga anak sa iba’t ibang mga babae.

Umani naman ang video ng mahigit 8.9 milyon views.

Mayroon ding larawan na pinalilibutan ng limang kababaihang buntis ang lalaking responsable nito na may caption na 'Welcome little Zeddy Wills 1 to 5.'

Gayunpaman, buong-puso umanong tinanggap ng limang babae ang kanilang sitwasyon at sinabing, “He's going to be born into a big family!”

May isa pa sa mga babae ang nag-post ng video na may caption na “I guess we’re sister wives now.”

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog